Feed The Illiterate

… educate the hungry.

Eto ang Manila’s finest

with one comment

Ang pulis natin, parang si Jimmy Santos sa Eat Bulaga, walang kakwenta-kwenta.

Ang pulis natin, parang kalaban na detergent ng Tide. Ang lalaki, pero puro chalk ang laman.

Ang pulis natin, parang mickey mouse money nung panahon ng hapon, nandyan nga sila, pero walang value.

Eto ang pulis natin. Manila’s finest mga kaibigan, magpalakpakan po tayo.

Hindi naman po natin kailangan maging experto sa mga ganitong klaseng bagay upang makita na hindi talaga preparado ang mga tao na dapat nangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga sibilyan. Kung titignan natin, si Michael V nalang ang kulang kanina sa mga balita, Bitoy’s funniest video na ang palabas dahil sa kagaguhan at mga katangahan ng ating pulisya sa paghahandle ng hostage crisis kanina.

Nang dahil sa kahusayan ng ating mga pulisya, sikat na sikat na naman ang ating bansa. Kung championship belt ang sukatan sa tuwing lalabas ang bansang Pilipinas sa internasyonal media, ay malamang undisputed world champion tayo pag dating sa kakulangan ng seguridad para sa mga sibilyan at pagkabulok at pagkainutil ng sistema na dapat ay pumprotekta sa bawat mamayan dito sa bansa, pilipino man o hindi.

Kitang kita na hindi tayo handa, kitang kita na hindi nila alam ang gagawin nila kanina. Kitang kita na pag sinugod tayo ng mga masasamang elemento bukas, ay bubuhos ang dugo ng mga sibilyan dahil sa kakulangan ng kaalaman at kahandaan ng organisasyon na dapat pumprotekta satin.

Siguro kung tortyur ang labanan, malamang panalong panalo ang pulisya natin, pero hindi. Sorry. Labanan ng may mga utak to e.

Advertisements

Written by bassman500

August 24, 2010 at 12:48 AM

Posted in Current Events, Social

One Response

Subscribe to comments with RSS.

  1. […] thing is, while I’ve isolated my fair share of criticism towards our National Police last night, I think it would just be fair to share some of those to the media […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: