Feed The Illiterate

… educate the hungry.

Impomersyal

with 2 comments

Kung ano ang nakikita mo sa Telebisyon, naririnig mo sa Radyo, nababasa mo sa dyaryo at sa kung ano ano pang programa na maaring makaimpluwensiya sa iyo, paniniwalaan mo ito ng walang bahid ng pagdududa, walang pagtatanong. Dahil sila ang tama, sila ang may hawak ng IMPORMASYON at wala ka nang magagawa kung hindi maniwala.

Kung ano ang sinasabi sa iyo ng iyong pari, ng iyong pastor, o kung sino man ang sinasamba mo, hindi ka maaring humindi, hindi ka maaring umayaw. Sapagkat sila ang representasyon ng iyong diyos dito sa lupa at hindi sila maaring magkamali. HINDI SILA MAARING MAGKAMALI. Dahil sa oras na sila ay magkamali sila parin ang tama, at kung ikaw naman ang tama ay ikaw parin ang mali. Dahil sila ang may hawak ng MORALIDAD, sila lamang ang nakakaalam kung ano’t TAMA at ano’t MALI . Kaya hindi ka maaring magtanong, at hindi ka maaring humindi.

Kung ano ang isunusubo sa iyo ng propesor mo, ng titser mo, ng decano mo at ng paaralan mo, wala ka nang ibang magagawa kung hindi sumunod, makinig at sumangayon na parang isang robot. Isang robot na de susi na tatakbo pag sinabing tumakbo at titigil pag sinabing tumigil. Dahil sila ang may hawak ng iyong EDUKASYON, at wala kang KARAPATAN KWESTYUNIN ang mga desisyon ng nakakataas sa iyo, dahil sa kanila, WALA KANG ALAM.

Kung sinasabi ng iyong pamahalaan na tutuloy tayo patungo sa DAANG MATUWID, maglalakad tayo sa daang matuwid kahit sa katunayan ay bako-bako naman ang iyong aapakan. Wala kang ibang magagawa kung hindi SUMANGAYON dahil wala kang KARAPATAN  MAGSALITA. Dahil nasa kanila ang KAPANGYARIHAN at ikaw ay isa lamang mumunting mamayan na kinakailangan sumunod sa mga alituntunin tungo sa BAKU-BAKONG TUWID NA DAAN.

Wala kang karapatan, hindi ka pwedeng sumangayon. Wala kang karapatan, hindi ka pwedeng magsalita..

Dahil ang nakakabuti sayo ay nakakasama sa kanila, ANG TAMA MO AY KABAWASAN SA KREDIBILIDAD NILA. Hindi ka maaring magsalita dahil wala kang pera, wala kang pangalan, wala kang posisyon, wala kang simbahan, walang mga uto-utong taong sumusunod sayo.

Wala kang boses,

WALA KANG KWENTA,

wala kang kwenta.

Dahil sa panahon ngayon,

Bawal na magisip

DAHIL SA PANAHON NGAYON

Mali ka kung hindi ka naayon sa kanila

DAHIL SA PANAHON NGAYON

Wala nang kwenta ang katotohanan.

Advertisements

Written by bassman500

August 19, 2010 at 3:02 PM

Posted in Social

2 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. raaawwwrr! and yet i beg to disagree on several of your points. even the very existence of this blog post shows that what you’re positing is in fact, untrue. there isn’t a blind obedience in so much as there is a lethargy of thinking

    Nirva

    August 19, 2010 at 5:29 PM

  2. You’re missing the point ate. :’)

    bassman500

    August 19, 2010 at 9:13 PM


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: